^

PM Sports

Ateneo hihirit ng rubber match!

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilalabas na ng defen­ding champion Ate­neo de Manila University ang lahat ng alas nito upang maipuwersa ang rubber match laban sa University of the Philippines sa pag-arangkada ng Game 2 ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament best-of-three championship se­ries ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Nakatakda ang pag­haharap ng Blue Eagles at Fighting Maroons sa alas-6 ng gabi.

Nakauna ang UP sa serye matapos kubrahin ang 81-74 overtime win laban sa Ateneo sa Game 1 noong Linggo.

Ngunit hindi basta-basta susuko ang Blue Eagles.

Tiyak na magiging handa ito upang mapigilan ang selebrasyon ng Fighting Maroons at ma­natiling buhay ang pag-asa nito sa tangkang four-peat.

Maglalabas ng ba­gong formula si Blue Eagles head coach Tab Baldwin para mapigilan ang anumang bombang pasasabugin ng Fighting Maroons.

“We felt we needed a few things differently with our lineup and in re­trospect, maybe we would second guess that,” ani Baldwin.

Isa sa mga nakikitang problema ng kanyang ba­­taan ang match up sa size.

Kaya may balak itong gawin sa Game 2.

“We’re going to have to do some things to coun­ter size, and counter their rebounding because they’ve done it all season and this was not a surprise to us,” dagdag ni Baldwin.

Sa kabilang banda, sinaniban ang Fighting Maroons ng never-say-die spirit na ipinakita nito sa series opener.

Nakalugmok ang UP sa buong panahon ng laro subalit hindi agad ito bumitiw hanggang sa huling sandali para makuha ang panalo.

“We just kept remin­ding each other not to give up,” ani UP coach Goldwin Monteverde.

Kaya naman inaa­sahang ibubuhos na ng UP ang kanilang buong lakas upang matuldukan ang ilang dekadang pagkauhaw nito sa kam­peonato.

ATE­NEO DE MANILA UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with