^

PM Sports

Maroons isang panalo na lang

Chris Co - Pang-masa
Maroons isang panalo na lang
Bigo si Maodo Diouf ng UP na supalpalin si Ange Kouame ng Ateneo.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Napigilan ng University of the Philippines ang matikas na kamada ng reigning champion Ate­neo de Manila Univer­sity upang kubrahin ang 81-74 overtime win sa Game One ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament best-of-three championship series kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tangan ng Blue Eagles ang 70-67 bentahe sa huling 27.6 segundo sa fourth quarter nang paka­walan ni James Spence ang tres para maitabla ng Fighting Maroons ang laro sa 70-70 patungo sa overtime.

Mas lalo pang nag-init ang UP sa extra period nang basagin ang 74-all mula sa tres ni Ricci Ri­vero para kunin ang 77-74 bentahe sa 2:32 minuto.

Mula dito ay hindi na lumingon pa ang UP para makuha ang panalo.

Nakatakda ang Game Two ng Fighting Maroons at Blue Eagles sa Miyerkules.

Humataw si Rivero ng 19 points, 4 steals, 2 assists at 2 blocks upang pa­munuan ang Figh­ting Maroons na makuha ang 1-0 bentahe sa title series.

Solido ang suportang ibinigay si Zavier Lucero na kumana ng 17 points at 13 boards.

Tumapos si Spencer na may 13 points at nagtala si Maodo Diouf ng 10 points at 13 rebounds.

Nagdagdag si Carl Ta­mayo ng 10 markers at 9 rebounds para sa UP.

Hindi napakinaba­ngan ng Ateneo ang 18 points at 11 boards ni Angelo Kouame gayundin ang tig-17 markers nina SJ Belangel at Rafael Verano para sa Blue Eagles.

 

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with