^

PM Sports

Bucks nakauna sa Celtics

Pang-masa
Bucks nakauna sa Celtics
Ang dunk ni Giannis Antetokounmpo ng Bucks laban sa Celtics sa Game One ng kanilang semifinals series.

Warriors tinakasan naman ang Grizzlies

BOSTON — Nagposte si Giannis Antetokounmpo ng triple-double na 24 points, 13 rebounds at 12 assists para igiya ang nagdedepensang Milwaukee Bucks sa 101-89 paggiba sa Celtics sa Game One ng kanilang Eastern Conference semifinals series.

Ito ang kanyang ikala­wang career postseason triple-double para sa 1-0 lead ng Milwaukee sa kanilang best-of-seven showdown ng Boston.

“That’s just pure ta­lent, just pure instinct,” sabi ni Bucks coach Mike Budenholzer kay Anteto­kounmpo. “He’s a great pla­yer. He does things that are unique and special and timely. ”

Nagtala si guard Jrue Ho­liday ng 25 points at 10 rebounds at nag-ambag si Bobby Portis ng 15 points at 11 boards.

Pinamunuan ni Jayson Tatum ang Celtics sa kanyang 21 points at may tig-12 markers sina Jaylen Brown at Al Horford.

Matapos patahimikin sina Kevin Durant at Kyrie Irving sa kanilang four-game sweep sa Brooklyn Nets sa first round ay bigo na­man ang Boston na pi­gilin si Antetokounmpo.

Iniskor ni Anteto­kounmpo ang walong su­nod na puntos ng Milwaukee sa pagtatapos ng first half para sa kanilang double-digit lead.

Nakalapit ang Celtics sa seven-point deficit sa huling minuto ng third quarter bago muling naka­layo ang Bucks tampok ang alley-oop dunk ng ‘Greek Freak’ sa kanyang sarili para sa kanilang 94-78 abante.

Sa Memphis, nagpa­sabog si Jordan Poole ng career-high na 31 points mula sa bench tampok ang playoff-best na limang triples sa 117-116 pagtakas ng Golden State Warriors sa Grizzlies sa series opener ng kanilang Wes­­tern Conference se­mifinals series.

Nag-ambag ng 24 mar­­kers si Ste­phen Curry.

Ipinasok ni Klay Thompson ang go-ahead triple sa huling 36 segundo ng final canto para sa one-point lead ng Golden State .

Mintis naman ang lay­up ni Ja Morant sa huling posesyon ng Memphis.

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with