Sotto pag-iisipang mabuti ang pag-akyat sa NBA

Kai Sotto.

MANILA, Philippines — Pag-iisipang mabuti ni Kai Sotto ang inaabangan niyang desisyon kung aak­yat na ba sa NBA o mananatili pa sa NBL matapos ang impresibong kampanya sa Adelaide 36ers.

“The season just ended. I need more time to think about that. I’m just happy we finished this season strong, won this last game and I’m just very happy for all of us,” ani Sotto matapos ang 93-60 panalo ng 36ers kontra sa New Zealand Breakers.

Bagama’t laglag na sa playoff contention, naipanalo ng Adelaide ang tatlo sa huling apat nilang laban upang magtapos sa ikapitong puwesto hawak ang 10-18 kartada.

Labing-dalawang laro ang nasalangan ni Sotto sa kabuuang 28 na laro ng 36ers tungo sa 7.52 puntos sa 50-percent field goal at 4.48 rebounds na rehistro.

Limitado lang ang naging aksyon ng 7-foot-3 Filipino sensation subalit sinulit niya ito upang palakasin ang stock sa NBA Draft na magaganap na sa Hunyo.

Kung susubukin na ni Sotto ang kanyang kapalaran doon ay wala pang kasiguruhan ngayon subalit nangakong patuloy na magpapala­kas saan man siya tumungo.

Advertising
Scroll to continue

“For me, the work doesn’t stop. I’ll just continue working and developing and whatever comes after that, you’ll see,” aniya.

“I don’t see myself as a complete player right now. I just have to continue developing, getting better with my skills, getting stronger, and getting faster. There’s a lot of things I need to work on and this offseason will be a good time for me to get better.”

Show comments