^

PM Sports

Suns itinakas ni Booker sa Warriors

Pang-masa

SAN FRANCISCO — Isinalpak ni Devin Booker ang dalawang free throws sa huling 34.2 segundo patungo sa 107-103 paglusot ng NBA-leading Phoenix Suns sa bumubulusok na Golden State Warriors.

Ito ang pang-siyam na sunod na ratsada ng Phoenix (62-14) sa patuloy na pamumuno sa Western Conference at inihulog ang Golden State (48-29) sa ikaapat na dikit na kamalasan.

Kumonekta si Suns’ guard Chris Paul ng isang jumper sa huling 1:37 minuto para tumapos na may 15 points at 8 assists.

Sa San Antonio, humataw si Tyus Jones ng 25 points sa 112-111 pagtakas ng Memphis Grizzlies (54-23) sa Spurs (31-45) para angkinin ang Southwest Division title at ang No. 2 seed sa West.

Sa Boston, nagtala si Jimmy Butler ng 24 points sa 106-98 panalo ng Eastern Conference-leading Miami Heat (49-28) sa Celtics (47-30).

Sa Oklahoma City, umiskor si Trae Young ng 41 points sa 136-118 pagdagit ng Atlanta Hawks (39-37) sa Thunder (22-54).

DEVIN BOOKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with