^

PM Sports

Suns diretso sa ika-8 sunod na ratsada

Pang-masa
Suns diretso sa ika-8 sunod na ratsada
Ginamit ni Devin Booker ng Suns ang screen ni Deandre Ayton para makawala kay Maisse Thybulle ng 76ers.

PHOENIX — Nagpasabog si Devin Booker ng 35 points para pangunahan ang NBA-leading Suns sa 114-104 pagpapalubog sa Philadelphia 76ers.

Tumipa si Chris Paul ng 19 points at 14 assists para sa pang-walong sunod na ratsada ng Phoenix (61-14) kasabay ng pagpigil sa three-game winning streak ng Philadelphia (46-28).

Hindi pa rin sila matinag sa No. 1 spot sa Western Conference papasok sa playoffs.

Humakot si center Joel Embiid ng 37 points at 15 rebounds at may 14 points, 9 assists at 7 rebounds si James Harden para sa 76ers na nakadikit sa 100-101 agwat sa dulo ng fourth period.

Ang three-point play ni Booker ang muling naglayo sa Suns para selyuhan ang kanilang panalo.

Sa Boston, umiskor si Jayson Tatum ng 34 at nag­lista si Jaylen Brown ng 31 points at 10 rebounds sa 134-112 paggupo ng Celtics (47-28) sa Minnesota Timberwolves (43-33).

Ito ang ikaanim na sunod na arangkada ng Boston para agawin ang top spot sa Eastern Conference.

Sa New York, kumolek­ta si LaMelo Ball ng 33 points, 9 assists at 7 rebounds sa 119-110 panalo ng Charlotte Hornets (39-36) sa Brooklyn Nets (39-36).

Sa Washington, naglista si Corey Kispert ng career-high 25 points sa 123-115 panalo ng Wizards (32-42) sa Golden State Warriors (48-27).

Sa iba pang laro, dinaig ng  New Orleans Pelicans ang Los Angeles Lakers, 116-108; lusot ang New York Knicks sa Detroit Pistons, 104-102; at tinalo ng Dallas Mavericks ang Utah Jazz, 114-100.

DEVIN BOOKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with