^

PM Sports

Beermen, Fuel Masters maghihiwalay ng landas

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng San Miguel ang kanilang ikalawang sunod na panalo para makatabla sa No. 4 spot sa pagsagupa sa Phoenix sa PBA Governors’ Cup sa Ynares Center, Antipolo City.

Magtutuos ang Beermen at Fuel Masters nga­­­yong alas-6 ng gabi matapos ang bakbakan ng inspiradong Alaska Aces at NLEX Road Warriors sa alas-3 ng hapon.

Kasalukuyang magkasosyo ang San Miguel at Phoenix sa No. 5 sa magkatulad nilang 4-3 record at kapwa determi­nadong palakasin ang kanilang mga tsansa sa quarterfinals.

Tinapik ng Beermen ang five-year NBA veteran na si Shabazz Muhammad para palitan si Orlando Johnson na naglista ng 31 points, 10 rebounds at 8 assists sa kanilang 110-102 pa­nalo sa nagdedepensang Ginebra Gin Kings noong Linggo.

Muli namang babanderahan ni Dominique Sutton ang Fuel Masters na nakalasap ng 83-103 kabiguan sa Magnolia Hotshots.

Sa unang laro, pupuntiryahin ng Aces ang kanilang ikaapat na sunod na ratsada sa pagharap sa Road Warriors.

“They have a phenomenal import with very good local support. They’re always a tough opponent,” ani Alaska coach Jeff Cariaso kay KJ McDaniels ng NLEX na target ang back-to-back wins.

Itatapat ng Alaska si Ola Ashaolu kay Mc­Daniels at muling sasandal kay guard Jeron Teng na humataw ng career-high 30 points sa kanilang come-from-behind 102-97 win sa Terrafirma no­ong Sabado.

SAN MIGUEL BEERMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with