^

PM Sports

Heat sumosyo sa top spot sa East

Pang-masa
Heat sumosyo sa top spot sa East
Nag-unahan sina Jimmy Butler ng Heat at Miles Bridges ng Hornets sa loose ball.

CHARLOTTE, N.C. — Iniskor ni Kyle Lowry ang 12 sa kanyang 25 points matapos ang regulation para akayin ang Miami Heat sa 111-107 double overtime win kontra sa Charlotte Hornets.

Nagdagdag si Duncan Robinson ng 21 points at tumipa si Jimmy Butler ng 15 points, 10 rebounds at 8 assists para sa pagsosyo ng Heat (38-21) sa Chicago Bulls (38-21) sa liderato ng Eastern Conference papasok sa All-Star break.

Ito ang ikaanim na panalo ng Miami sa huli nilang pitong laro.

Sa second overtime ay nakadikit ang Charlotte sa 107-109 mula kay Miles Bridges kasunod ang backdoor layup ni Lowry at supalpal ni Miami center Bam Adebayo sa 3-point attempt ni Kelly Oubre Jr. para selyuhan ang ka­nilang panalo.

Tumapos si Bridges na may 29 points at 11 rebounds.

Sa Milwaukee, nagposte si Joel Embiid ng 42 points, 14 rebounds at 5 assists sa 123-120 pagtakas ng Philadelphia 76ers (35-23) sa nagdedepensang Bucks (36-24).

Kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 32 points, 11 rebounds at 9 assists para sa Milwaukee.

Sa iba pang laro, pina­dapa ng Washington Wizards ang Brooklyn Nets, 117-103; dinaig ng Dallas Mavericks ang New Orleans Pelicans, 125-118; at tinalo ng Los Angeles Clippers ang Houston Rockets, 142-111.

KYLE LOWRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with