_pang-masa
^

PM Sports

Triple double uli si Antetokounmpo

Pang-masa
Triple double uli si Antetokounmpo

MILWAUKEE — Kumamada si Giannis Antetokounmpo ng 30 points, 12 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikatlong triple-double ngayong season sa pag-akay sa nagdedepensang Bucks sa 118-99 pagdaig sa Golden State Warriors.

Ito ang pang-28 career triple-double ng 27-anyos na si Anteto-kounmpo.

Ibinaon ng Milwaukee (27-17) ang Golden State (30-11) sa halftime, 77-38, tampok ang 23 points, 7 rebounds at 7 assists ni Anteto-kounmpo sa first half patungo sa kanilang panalo.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 23 points, habang may 20 at 15 markers sina Bobby Portis at Grayson Allen, ayon sa pagkakasunod, para sa Bucks.

Pinamunuan ni Andrew Wiggins ang Warriors sa kanyang 16 points at may 15, 12 at 11 markers sina Jonathan Kumginga, Stephen Curry at Klay Thompson, ayon sa pagkakasunod.

Sa Memphis, nagtala si Desmond Bane ng 21 points sa 116-108 paggupo ng Grizzlies (30-14) sa Minnesota Timberwolves (20-22) diretso sa kanilang ika-11 sunod na ratsada.

Nag-ambag si Jaren Jackson Jr. ng 20 markers at humakot si guard Ja Morant ng 16 points, 9 assists at 8 rebounds para sa Memphis.

Sa New York, kumolekta si Shai Gilgeous-Alexander ng 33 points, 10 rebounds at 9 assists para banderahan ang Oklahoma City Thunder (14-27) sa 130-109 paglampaso sa Brooklyn Nets (26-15).

Ipinahinga ng Nets si Kevin Durant na namuno sa nauna nilang panalo sa East-leading Chicago Bulls kamakalawa.

Sa Denver, humakot si Nikola Jokic ng 20 points, 8 boards at 7 assists sa 140-108 pagmasaker ng Nuggets (21-19) sa Portland Trail Blazers (16-25).

Sa New Orleans, umiskor si Brandon Ingram ng 24 points para akayin ang Pelicans (16-26) sa 113-89 pagpulutan sa LAClippers (21-22).

 

GIANNIS ANTETOKOUNMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with