_pang-masa
^

PM Sports

36ers ni Sotto balik-ensayo na

John Bryan Ulanday - Pang-masa
36ers ni Sotto balik-ensayo na
Kai Sotto.

MANILA, Philippines — Sumalang na uli sa ensayo si Kai Sotto at ang Adelaide 36ers kahapon bilang preparasyon sa inaabangang pagbabalik-aksyon sa Australia National Basketball League matapos ang matagal na pagkakatengga dahil sa COVID-19 protocols.

 “It’s good to be back. We are Sixers,” pahayag ng  Adelaide sa kanilang social media kasama ang larawan ng 7-foot-3 Filipino tower sensation.

Sa Martes ang laban ng 36ers kontra sa Perth Wildcats sa Adelaide Entertainment Center na siyang magiging unang salang nila sa loob ng isang buwan.

Noong Disyembre 18 pa hu-ling naglaro ang Adelaide nang matalo sa Cairns Taipans, 93-67.

Ito rin ang naging debut ni Sotto matapos hindi makalaro sa kanilang unang apat na games dahil sa pamamaga ng tuhod.

Nauna nang nalagay sa CO-VID-19 protocols ang buong 36ers team nang may magpositibo sa kanilang koponan bago ang Bagong Taon.

Limang laro ang na-postpone sa schedule ng Adelaide. Ito ay ang  laban kontra sa Perth (Disyembre 28 at Enero 7), South East Melbourne Phoenix (Enero 7), Illawarra Hawks (Enero 9) at Tasmania JackJumpers (Enero 16).

Ang huli nilang laban na nasuspinde ay nitong Linggo dahil naman sa pagsailalim ng ilang miyembro ng Tasmania sa protocols.

Sa kabila ng homecourt advantage ay underdog ang 36ers na may 2-3 kartada kontra sa lider na Wildcats hawak ang 5-1 baraha.

KAI SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with