_pang-masa
^

PM Sports

Tuluy na tuloy ang Vietnam SEA Games

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagama’t laganap ang COVID-19 surge sa buong mundo dahil sa Omicron variant ay tuloy pa rin ang pamamahala ng Vietnam sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo 12-23.

Ito ay matapos ilunsad ng Vietnam Sports Administration (VSA) ang official slogan na “For a Stronger South East Asia” para sa SEA Games at ASEAN Para Games.

Nauna na ring inilunsad ng Vietnam ang gagamiting official logo at mascot para sa nasabing biennial meet.

Inaasahang muling kukumpirmahin ng Vietnam ang kanilang pagdaraos ng SEA Games sa nakatakdang pulong ng mga Chef de Mission (CDM) sa Enero 18.

Nauna nang ipinagpaliban ng Vietnam ang International Badminton Challenge na nakatakda sa Marso 22-27 dahil sa pandemya.

Kabuuang 40 sports ang inilatag para sa SEA Games na idaraos sa Mayo 12-23 sa Hanoi matapos itong iurong dahil sa paglobo ng COVID-19 cases sa mga siyudad at probinsya ng Vietnam noong nakaraang taon.

 Idedepensa ng Pilipinas ang overall title na nakamit nang pangasiwaan ang SEA Games noong 2019.

Nadiskaril ang pagbabalik-ensayo ng mga national athletes sa mga pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Manila City at Pasig City dahil sa pagsirit ng mga COVID-19 cases sa Metro Manila.

Higit sa 600 atleta, kasama si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting, ang isasalang ng Philippine Olympic Committee (POC) sa 39 g kabuuang 40 sports ng Hanoi SEA Games.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with