^

PM Sports

Phoenix mainit agad

Rusell Cadayona - Pang-masa
Phoenix mainit agad

MANILA, Philippines — Humugot si Matthew Wright ng 13 sa kanyang 17 points sa fourth quarter para kumpletuhin ang pagbangon ng Phoenix mula sa 17-point deficit at resbakan ang Terrafirma, 103-100, sa 2021 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kumonekta si Wright ng dalawang three-point shots sa final canto at nagdagdag ng 10 assists, 6 rebounds at 2 steals para sa Fuel Masters ni coach Topex Robinson.

Nagposte naman si balik-import Paul Harris ng 24 markers, 15 boards at 3 assists para sa Phoenix.

“We feel like we have a great import in Paul like doesn’t need the ball every time,” ani Wright kay Harris. “He likes to involve the locals. I feel he’s a perfect import for us.”

Itinala ng Dyip ang 67-50 abante sa 6:51 minuto ng third period mula sa split ni import Antonio Hester, humakot ng 28 points, 16 rebounds, 4 assists at 3 steals.

Nagtuwang naman sina Wright, Harris, Perkins, Banchero at RJ Jazul para ibigay sa Fuel Masters ang 100-94 bentahe sa 2:14 minuto ng final canto.

Huling nakadikit ang Terrafirma sa 100-102 agwat mula sa layup ni Alex Cabagnot sa nala­labing 7.4 segundo kasunod ang split ni Perkins at dalawang freethrows ni Harris para selyuhan ang panalo ng Phoenix.

Ito ang debut game ng 39-anyos na si Cabag­not para sa Terrafirma matapos bitawan ng San Miguel kapalit ni guard Simon Enciso.

Sa ikalawang laro, binanderahan ni Rey Nambatac ang arangkada ng Rain or Shine sa third period patungo sa 92-79 paggupo sa Blackwater.

Tumapos si Namba­tac na may 16 points, ang 11 rito ay ginawa niya sa pag-arangkada ng Elasto Painters sa third period.

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with