^

PM Sports

Pinoy players magsasama-sama sa isang team

John Bryan Ulanday - Pang-masa

Japan B. League All-Stars Game

MANILA, Philippines — Magsasama-sama ang mga Filipino imports sa isang koponan na Asia All-Stars sa inaabangang 2022 Japan B. League All-Star Game sa Enero 14 hanggang 15 sa Okinawa Arena.

Babandera rito sina Kiefer Ravena ng Shiga Lakestars at Ray Parks Jr. ng Nagoya Diamond Dolphins kasama ang anim pang Pinoy standouts na nagsisilbing reinforcements sa B. League sa ilalim ng Asian Player Quota program.

Kasama rin sina Kobe Paras ng Niigata Albirex BB, Dwight Ramos ng Toyama Grouses, Javi Gomez de Liaño ng Ibaraki Robots at Thirdy Ravena ng San-en NeoPhoenix na siyang naging unang Pinoy import sa Japan noong nakaraang taon.

Bagama’t sa Division II naglalaro ay sasalang din sa Asia All-Stars sina Juan Gomez de Liaño ng Earthfriends Tokyo Z at Kemark Cariño ng Aomori Wat’s.

Makakasama nila ang iba pang Asian stalwarts na sina Wang Weijia (Akita Northern Happinets) ng China, Brandon Jawato (Utsunomiya Brex) ng Indonesia, Yang Jae-min (Shinshu Brave Warriors) ng South Korea, Lin Chih-wei (Rizing Zephyr Fukuoka) ng Chinese Taipei at Liu Jin (Nishinomiya Storks) ng China.

Makakalaban nila ang B. League Rising Stars na binubuo ng Japanese standouts kabilang na si Matthew Aquino ng Shinshu Brave Warriors na nag-lalaro bilang local player sa B. League dahil sa kanyang Japanese heritage.

Sa Enero 14 gaganapin ang kanilang duwelo bago ang mismong All-Star Game sa Enero 15 tampok ang B. White at B. Black teams.

Sasabak din sa side events ang ilang Pinoy players sa pangunguna ni Paras na kasali sa Dunk Contest.

Sa Three-Point Contest naman sasalang si Javi Gomez de Liaño habang sa Skills Challenge sina Kiefer at Thirdy.

vuukle comment

RAY PARKS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with