^

PM Sports

PBA teams sasabak sa EASL sa Oktubre

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na ang pagsali ng PBA bilang pioneer member sa East Asia Super League (EASL) na bubuuin ng pinakamagagaling na basketball clubs mula sa Pilipinas, Japan, South Korea, Chinese Taipei at Hong Kong SAR.

Inihayag ng EASL ka­hapon ang pormal na paglulunsad ng pinakabago at organisadong re­gional league sa Asya na lalarga sa susunod na taon para sa inaugural Season 1 sa ilalim ng home-and-away format.

Tig-dalawang kopo­nan ang babandera sa PBA, Japan B. League at Korea Basketball Lea­gue, habang tig-isa naman sa Chinese Taipei at Hong Kong para sa kabuuang eight-team East Asia League.

Hahatiin ang walong koponan sa dalawang grupo at ang top two teams ng kada pangkat ang aabante sa semifinals.

Nakataya sa makasay­sayang unang season ng EASL ang $1 milyong premyo para sa kampeon at mag-uuwi rin ng $500,000 at $250,000 ang second at third pla­cers, ayon sa pagkakasunod.

Opisyal na aarangkada ang EASL sa Oktubre 2022 hanggang Pebrero 23.

Tatakbo ito ng anim na buwan sa iba’t ibang homecourts ng Pinas, Japan, Korea, Chinese Taipei at Hong Kong para sa kabuuang 24 games.

Nauna nang nagdaos ang EASL ng invitational tournaments sa mga nakalipas na taon na sinalihan ng mga PBA teams na TNT, San Miguel, NLEX at Blackwater.

Ngayon, misyon ng Asian premier league na maging ikatlong pinakamalaking liga sa buong mundo sahog pa ang planong palawigin sa 16 koponan at higit pa sa mga susunod na seasons.

 

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with