^

PM Sports

Ancajas target agawin ang WBO belt ni Ioka

Chris Co - Pang-masa
Ancajas target agawin ang WBO belt ni Ioka
Jerwin Ancajas.

MANILA, Philippines — Desidido si International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight champion Jerwin Ancajas na maagaw ang korona ni World Boxing Organization (WBO) junior bantamweight champion Kazuto Ioka ng Japan.

Sasambulat ang unification bout nina Ancajas at Ioka sa Disyembre 31 sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo.

“Bihira lang na ma­bigyan ng chance para sa isang unification fight kaya doble kayod ako sa training para makuha ko ang resultang tinatarget ko,” ani Ancajas.

Dahil dito, nagdesis­yon ang kampo ni Ancajas na maaga itong magtungo sa Japan para sa acclimatization.

Hangad ni Ancajas na makundisyon ang kanyang katawan sa lamig ng temperatura sa Japan para sa kanyang laban kay Ioka.

Hindi naman na bago si Ancajas sa malamig na panahon dahil makailang ulit na itong nagsanay sa Amerika na may parehong klima.

Ngunit inaasahang mas lalamig pa ang klima sa Japan sa buong Dis­yembre.

Pagdating sa Japan, kailangan munang suma­ilalim sa quarantine p­eriod ang Team Ancajas sa loob ng tatlong araw.

Kailangan din na ne­ga­tibo ang swab test ng bawat miyembro ng team bago tuluyang makapag-ensayo sa Japan.

Masaya ang Team Ancajas sa blockbuster fight ng Pinoy champion.

Matagal-tagal ding nag­hintay si Ancajas para makuha ito.

Kaya naman inaa­sa­hang ibubuhos ni Ancajas ang lahat upang maagaw ang WBO belt ni Ioka.

 

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with