_pang-masa
^

PM Sports

Clarkson hihikayatin si Green na maglaro sa Gilas

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais ni Jordan Clarkson ng Utah Jazz na makapaglaro rin si Houston Rockets rookie Jalen Green sa Gilas Pilipinas.

Sinabi ni Clarkson na dapat umpisahan na ang proseso kung paano mapapasama si Green sa Philippine national team matapos silang umukit ng kasaysayan bilang unang Filipino players na nagsalo sa court ng isang NBA game.

“It’s special. The next thing we got to work on is get Jalen in those (Gilas Pilipinas) jerseys,” ani Clarkson, ang reigning NBA Sixth Man of the Year.

Matatandaang naglaro si Clarkson para sa Gilas noong 2018 Asian Games sa Indonesia at nagtala ng 26.0 points, 6.5 rebounds at 5.5 assists upang akayin ang tropa sa fifth-place finish.

Hanggang sa ngayon ay gumagawa ng paraan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makalaro si Clarkson bilang local player sa national team lalo na sa 2023 FIBA World Cup na iho-host ng bansa kasama ang Japan at Indonesia.

Sa kaso naman ni Green ay hindi magiging madali ang paglalaro niya sa bansa dahil naglaro na siya sa Team USA noong 2019 FIBA Under-19 World Cup.

Ayon kay Green, itutuon muna nila ni Clarkson ang atensyon sa pag-katawan sa Pilipinas sa NBA.

JORDAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with