^

PM Sports

Gilas women’s sasabak sa 2 international tournaments sa 2022

Rusell Cadayona - Pang-masa
Gilas womenâs sasabak sa 2 international tournaments sa 2022

MANILA, Philippines — Dalawang malaking international tournaments ang lalahukan ng Gilas Pilipinas women’s team sa susunod na taon kasama ang pagdedepensa ng korona sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Sa Pebrero ay sasabak ang tropa sa 2022 FIBA World Cup pre-qualifying tournament kung saan inaasahan ni head coach Pat Aquino na makakalaro si Jack Animam.

“It would be very helpful for us coming into the Southeast Asian Games kasi ganyan din iyong nangyari sa amin noong 2019 with all those tournaments from FIBA-Asia to the pre-qualifying tournament in New Zealand for the Olympics and then Southeast Asian Games,” ani Aquino kahapon sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Pinagreynahan ng Gilas women’s squad ang 5-on-5 at 3-on-3 tournaments ng 2019 SEA Games na pinamahalaan ng Pinas. Posibleng idaos ang 2022 Vietnam SEA Games sa Mayo.

Tumapos sa seventh place ang tropa ni Aquino sa nakaraang FIBA Asia Cup sa Amman, Jordan para mapanatili ang puwesto sa Division A.

“As much as possible mas maraming pool, mas maraming choices, mas maganda for the team in the future,” sabi ni Aquino. “Its just the same thing what other countries are doing they have Team A, Team B, Team C na pool. And we want that to happen.”

Nangako naman si Animam kay Aquino na maglalaro para sa Gilas women’s team sa FIBA World Cup qualifiers.

“We’re already talking with Jack. Sabi ko siyempre, huwag niyang kalimutan iyong bansa natin, Sabi naman niya okay na, she will be here in February,” ani Aquino.

Kasalukuyang lumalaro si Animam bilang professional basketball player para sa Radnicki Kragujevac sa Serbia.

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with