_pang-masa
^

PM Sports

Balanse ang 2-PBA semis series

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mula umpisa, maliwanag na llamado ang Magnolia kontra sa Meralco dahil mas mabigat at mas malalim ang rotation na puwedeng iikot ni Hotshots coach Chito Victolero.

Mas bibigat ang odds sa panig ng Hotshots kung sasama pa si Raymond Almazan kay Aaron Black sa injured list.

Hindi natapos ni Almazan ang Game Two nang masaktan ang kaliwang paa sa third quarter ng laban.

Ang katanungan eh kung maka-kabalik ba ang dating Letran ace center sa Game Three.

Baon sa 0-2 hole ang Meralco Bolts papasok sa krusyal na laro.

Sa kabilang serye, tabla sa halip na sana eh tangan ng TNT Tropang Giga ang 2-0 kalamangan.

Ligwak ang Tropang Giga sa Game Two dahil sa second-half explosion ni Terrence Romeo at TNT breakdown na nagbigay pagkakataon kay Marcio Lassiter na iputok ang game-winner sa kanilang 98-96 squeaker.

Dahil dito, naibsan ang pressure sa San Miguel Beer.

Maaaring llamado pa sila patu-ngong Game Three dahil sa momentum at vibes na dala ng kanilang Game Two steal.

Nawala sa wisyo ang Tropang Giga at natulungang gasolinahan ang fourth-quarter splurge ng San Miguel dahil naalis ang focus nila sa game.

Malaking halimbawa ang technical foul na nakuha ni Jayson Castro kaka-contest sa tawag ng mga referees.

Kaya’t back to scratch ang TNT-SMB series.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with