_pang-masa
^

PM Sports

Gutsy Abueva

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Hindi gaya ng ibang players, walang paduday si Calvin Abueva sa pagsasabi na gusto niyang masungkit ang Best Player of the Conference award kasabay ang pagkuha ng conference championship.

Ito ay deklarasyon ng tunay na nararamdaman ng isang kandidato sa individual award.

Pero marami ang mga may paduday.

“Championship ang iniisip ko, kung makuha ko ang individual award, bonus na lang; I will accept it at salamat,” ito ang gasgas na linya ng maraming players.

Pero hindi lang gutsy sa paglalaro si Abueva, gutsy rin siya sa deklarasyon.

Nang tanungin kung ano ang kanyang isipan ukol sa kasalukuyang BPC race, walang paikot-ikot, walang paduday-duday ang premyadong Magnolia Hotshots forward.

Aniya, hahabulin niya ito dahil malaking kara-ngalan kung makuha ito.

Kasunod ng deklarasyong ito ang patuloy na pananalasa sa hardcourt.

Pagkatapos ng quarterfinals, lagpas full point na ang dati eh maliit lang na fraction na lamang ni Abueva kay TNT ace rookie Mikey Williams sa stats race.

Three points down bigla si NorthPort star Robert Bolick, at nagbabanta na si Magnolia center Ian Sangalang na umangat sa third spot. Nakatutok sa No. 5 si CJ Perez ng San Miguel.

Pero mukhang hindi na pakakawalan ni Calvin ang pangunguna sa karera.

CALVIN ABUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with