^

PM Sports

San Miguel mas mapapalakas pa nina Cabagnot at Romeo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung mabibigyan ng sapat na panahon ay inaasahang makakabalik sa kanilang porma sina ve-teran guard Alex Cabagnot at scoring machine Terrence Romeo para sa pagsagupa ng San Miguel sa TNT Tropang Giga sa semifinals ng 2021 PBA Philippine Cup.

Pitong laro ng Beermen ang iniupo ng 36-anyos na si Cabagnot dahil sa kanyang knee injury, habang tatlong game na nag-miss-out ang 29-anyos na si Romeo bunga ng Achilles injury.

“Si Alex at saka si Terrence are still struggling. But I know if they will be given some time to practice with the team, I think makukuha nila iyon,” sabi ni San Miguel coach Leo Austria.

Isinalpak ni Cabagnot ang game-winning basket sa 88-87 panalo ng Beermen sa NorthPort Batang Pier sa Game One ng kanilang best-of-three quarterfinals series at umiskor si Romeo ng 11 points sa 100-95  pananaig nila sa Game Two para kumpletuhin ang sweep.

Magtutuos ang Beermen at Tropang Giga sa best-of-seven semifinals series ngunit hindi pa inihahayag ng PBA ang iskedyul.

Ang San Miguel lamang ang tumalo sa TNT sa eliminasyon matapos kunin ang 83-67 panalo.

Ayon sa 63-anyos na si Austria, iba ang labanan pagdating sa semis.

“It just happened na nagkaroon kami ng opportunity na talunin namin sila sa eliminations and that gives us some confidence,” ani Austria.

“But semifinals, especially a best-of-seven series, is a different story.”

Kasalukuyang nasa five-game winning run ang Tropang Giga ni mentor Chot Reyes kabilang ang 84-71 pagsibak sa nagdedepensang Ginebra Gin Kings sa quarterfinals.

“We know na they are on a roll and they’re playing hard, they’re playing beautiful basketball and are very organized,” wika ni Austria. “It’s tough to beat Talk ‘N Text because they are out there in a mission eh.”

 

TERRENCE ROMEO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with