_pang-masa
^

PM Sports

India target uli ng Gilas Women’s

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Taong 2015 sumampa ang Philippine women’s team sa Level 1 play ng FIBA Asia Championship matapos talunin ang India, 82-76, sa qualifying round ng competition na ginanap sa Wuhan, China.

At magmula noon, nanatili ang Gilas women sa elite level kahit na mailap sa kanila ang panalo kontra sa mga powerhouse teams.

Ang Top Eight sa Asia/Oceania region ang nagbabakbakan sa Level 1.

Delikado ang koponan na bumagsak sa Level 2 kung mangungulelat sa Level 1.

Namentina ng Team Phl ang pananatili sa Elite Level dahil lagi nilang nalulusutan ang laban for seventh place.

At ito ang puntirya ng Gilas women sa kanilang huling laban sa kasalukuyang FIBA Asia women’s championship na ginaganap sa Amman, Jordan.

Ang siste eh, hindi mabarag ng Team Phl ang top seven – Australia, China, Japan, South Korea, Chinese Taipei at New Zealand. Masyadong mabigat ang laban dahil world power sa women’s play ang Australia, China at Japan.

Ang ating konsolas-yon eh, lagpasan ang Thailand, Malaysia at Indonesia, na silang mas dominante sa Southeast Asia bago ang breakthrough championship ng Gilas women noong 2019 SEA Games.

Tambak sa Pinas ang India, 92-78, sa fight for seventh noong 2019 championship sa Bangalore.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with