_pang-masa
^

PM Sports

Ginebra at Phoenix maglalaglagan

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ito ang pagkakataon na hindi maaaring pakawalan ng nagdedepensang Barangay Ginebra.

Maghaharap ang Gin Kings at Phoenix Fuel Masters ngayong alas-4:35 ng hapon sa kanilang playoff match para sa No. 8 spot sa quarterfinal round ng 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

“We’ve been given an unexpected reprieve so we want to do our best and take advantage of it,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa kanyang Ginebra.

Hindi rin magpapatalo ang Phoenix ni mentor Topex Robinson para sa huling tsansang mapasama sa eight-team quarterfinals cast.

“The No. 8 spot won’t be given to us. We have to earn it,” wika ni Robinson na muling aasa kina Matthew Wright, Vic Manuel, Jason Perkins, Justin Chua at RJ Jazul.

Hindi uli makakalaro para sa koponan ni Cone sina forward Japeth Aguilar (MCL injury) at guard Scottie Thompson (health and safety protocols).

Nagtapos na may pare-parehong 4-7 kartada ang Gin Kings, Fuel Masters at Terrafirma, ngunit dahil sa pinakamababang quotient ay napatalsik ang Dyip.

Ang mananaig sa bakbakan ng Gin Kings at Fuel Masters ang sasagupa sa No. 1 TNT Tropang Giga na may ‘twice-to-beat’ advantage sa quarters kagaya ng No. 2 Meralco Bolts kontra sa No. 7 NLEX Road Warriors.

“The guys know the road is tough and has been tough but it starts with one step,” sabi ni Cone  na sasandal kina LA Tenorio, Christian Standhardinger at  Stanley Pringle.

Nauna nang pinadapa ng Ginebra ang Phoenix, 94-87, kung saan sila bumangon mula sa 19-point deficit para agawin ang panalo noong Setyembre 15.

Maglalaban naman sa best-of-three quarterfinals series ang No. 3 Magnolia at No. 6 Rain or Shine gayundin ang No. 4 San Miguel at No. 5 NorthPort.

 

 

BARANGAY GINEBRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with