_pang-masa
^

PM Sports

Arangkada ng TNT Tropang GiGa

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa
Arangkada ng TNT Tropang GiGa

Mahaba na ang inilagi ni coach Chot Reyes sa PBA kaya’t alam niya na wala pa silang narating kungdi ang nakamit ang top seeding sa playoffs.

At mapupunta ito sa wala o maglalahong parang bula kung hindi maitutulak ang winning romp sa playoffs.

Wala silang ibang opsyon kundi panatilihin ang arangkada kung nais nilang makuha ang hangaring ibulsa ang Jun Bernardino Cup – ang pinaglalabanang tropeo sa all-Filipino tourney.

Pero dahil tangan ang twice-to-beat incentive bilang top seed, malaki ang bentahe ng TNT Tropang Giga na umusad sa Final Four.

Sa naunang bubble tourney sa AUF Gym sa Ange-les, Pampanga, umabot ang TNT hanggang finals pero minalas na tamaan ng injuries ang ilang key players at nagiba sa huli ng eventual champion na Barangay Ginebra.

Nagbalik ang TNT sa kasalukuyang all-Fi-lipino tangan ang ilang major adjustments.

Una ang pagbabalik ni Reyes sa coaching saddle. Nariyan din ang pagbabalik ni Kelly Williams mula sa retirement. At ang malaking karagdagan ni prized Fil-Am rookie Mikey Williams.

‘Di maikakaila na big difference si Mikey sa kanyang umaarangkadang averages na 19.1 points, 3.44 rebounds at 3.33 assists.

Sa bandang huli, ang tanong eh kung masusustina ni Mikey at ng Tropang Giga ang magandang paglalakbay.

 

TROPANG GIGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with