_pang-masa
^

PM Sports

10-Pinoy sumulong sa 3rd round ng US 9-Ball Championship

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matayog ang lipad ng bandila ng Pilipinas matapos magmartsa sa third round ang 10 Pinoy cue masters sa 2021 US Open 9-Ball Pool Championship na ginaganap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City.

Muling umarangkada sina dating world champions Carlo Biado at Dennis Orcollo matapos payukurin sina Vincent Beaurivage ng Canada (9-3) at Paul Spaanstra ng Amerika (9-2), ayon sa pagkakasunod.

Sumama rin sa selebrasyon sina Jeffrey de Luna, Alex Pagulayan at Johann Chua na namayani sa kanya-kanyang karibal sa torneong may nakalaang $50,000 para sa magkakampeon.

Iginupo nina De Luna si Bill Meacham (9-2), tinalo ni Pagulayan si Blake Baker (9-2) at namayani si Chua kay Kelson Juan (9-2) na lahat ay mga Amerikano.

Nanalo rin sina Roland Garcia kay Konrad Juszczynszyn ng Poland (9-6), Jeffrey Ignacio kay Shaun Wilkie ng Amerika (9-4), James Aranas kay John Hennigan ng Amerika (9-4), Roberto Gomez kay Lukas Fracasso-Verner ng Amerika (9-5) at Warren Kiamco kay Justin Espinosa ng Amerika (9-7).

Nakalinya na ang third round matches tampok sina Biado laban kay Mika Immonen ng Finland at Orcollo laban kay Corey Deuel ng Amerika.

DENNIS ORCOLLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with