_pang-masa
^

PM Sports

Matatapos kaya ang PBA season?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Makaraos kaya ang PBA na maihatid ang Philippine Cup hanggang sa katapusan ng torneo?

Ito ang napakalaking katanungan gayong unang linggo pa lang ng Bacolor play, eh ilang koponan na ang sumalang sa “health and safety protocols” ng liga.

At ito eh nagbunsod sa postponements ng ilang laro.

“Game postponement in accordance with the PBA’s healthy and safety protocols,” ayon sa  anunsyo ng liga.

Sa deretsahang salita, may mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 na kailangan sumalang sa isolation. Kung may exposure sa iba pang personalidad, kakailanganin din nitong sumalang sa quarantine.

So, may mga paghihintay na kailangang isagawa para muling makalaro ang apektadong koponan.

Masu-survive kaya ng liga ang setup na ito?

May isang dating league commissioner na may duda kung makukumplento ng liga ang conference via semi-bubble format.

“I have always believed that it’s full bubble or no games,” ani dating PBA kume Noli Eala sa kanyang Twitter account. “No such thing as semi-bubble under PH conditions.”

Ano pa kaya kung magkatotoo ang projection ng Department of Health na 30,000 COVID-19 cases daily sa NCR papasok ng Oktubre.

Huwag naman!!!

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with