^

PM Sports

Romeo, Lee, Yap Babalik na?

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Romeo, Lee, Yap Babalik na?
Terrence Romeo, Paul Lee at James Yap.

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagbabalik ng 2021 PBA Philippine Cup ay ang inaasahang pagbabalik din ng ilang injured players tulad nina Terrence Romeo ng San Miguel, Paul Lee ng Magnolia at James Yap ng Rain or Shine.

Kasama na ang tatlo sa ginaganap na ensayo ng kanilang mga koponan sa Pampanga para sa pagpapa-tuloy ng naantalang PBA Philippine Cup sa Setyembre 1 sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor.

Sumailalim sa operasyon sa tuhod si Yap nitong offseason habang nadale agad ng hyperextended knee injury si Romeo sa unang laban ng San Miguel kontra sa Meralco noong Hulyo 18.

Nagtamo naman si Lee ng hamstring injury sa huling laban ng Magnolia noong Hulyo 30 kontra sa Terrafirma.

Bagama’t hindi pa agad inaasahang makakatodo sa laro ay malaking tulong ang pagbabalik ng mga batikang superstars para sa kampanya ng kanilang mga koponan.

Lider ang Hotshots sa team standings bago mahinto ang PBA hawak ang malinis na 4-0 baraha habang nasa ikaapat at ikalimang puwesto ang Beermen (3-1) at Elasto Painters (4-2), ayon sa pagkakasunod.

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang ensayo ng PBA teams sa sa San Fernando, Angeles at Mexico upang mabawi ang kundisyon mula sa halos isang buwang pagkakatengga.

Noong Agosto 1 pa huling naglaro ang PBA sa original na venue sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kapag lumarga na uli ang Phl Cup, pukpukan na ang mga koponan sa 5-day-a-week schedule na katatampukan ng triple headers tuwing Miyerkules, Biyernes at Linggo habang double headers naman tuwing Huwebes at Sabado.

Asinta ng PBA na matapos ang elimination round sa Setyembre 19 at ang playoffs ng All-Filipino Conference sa Oktubre.

TERRENCE ROMEO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with