_pang-masa
^

PM Sports

PBA lore sa Bacolor

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa isang banda, swak ang timing ng pagpapatuloy ng naantalang PBA Philippine Cup.

Kung walang, bulilyaso sa RT-PCR tests sa Lunes, aarangkada na sa Miyerkules ang laro ng PBA sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Swak dahil tapos na ang Tokyo Olympics, ang PVL sa Ilocos Norte at ang sagupaang Pacquiao-Ugas sa Las Vegas.

Wala silang kabanggang ibang interesting na local event at tuluy-tuloy na may kaaaliwan ang mga Pinoy sports fans.

Kung walang balakid na haharapin, matatapos ang PBA all-Filipino tourney sa Oktubre.

Ang kuwestiyon ay kung kakayanin pa nila ang second conference ng Season 46 o mamahi-nga na at maghahanda na lang para sa pagsasagawa ng mas planado at plan-tsadong Season 47?

Sana naman ay hindi rumagasa ang COVID-19 surge sa Pampanga nang manatili ang probinsya sa less strict quarantine status at mahayaang gumulong ang PBA games sa bayan ng Bacolor.

Bagong playing ve-nue ito para sa liga.

Nakailang bisita na sila sa San Fernando at Angeles City, pero ngayon pa lamang tutuntong sa Bacolor.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with