_pang-masa
^

PM Sports

Great Job Manny!

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kung magdesisyon man si Manny Pacquiao na tapos na ang kanyang fight career, great legacy ang iiwan niya kahit nabigo sa kanyang laban kay Yordenis Ugas.

Hindi nakamit ang mithiing tapusin ang career, ika nga eh, on a blaze of glory.

Pero hindi ito bahid sa legendary tale na inukit ni Pacquiao – nag-iisang boxer na nagkampeon sa walong weight category – na maaaring walang puwedeng tumapat.

Ginapi si Pacquiao ng panahon sa edad na 42.

Pero natalo siya sa laban kay Ugas na nakatayo sa kanyang mga paa at buo ang pandinig sa hiyawan ng fight fans pagkatapos ng full 12-round cham-pionship bout.

Wala nang mahihingi at mahihiling pa ang mga fans kung sakali mang tuluyan na ngang tuldukan ni Pacman ang kanyang boxing career.

Actually, mga fans na rin ang may nais na isabit na ni Pacman ang kanyang globes at huwag na itong isuot pang muli.

Walang dudang may mga bagay na naghihintay sa boxing legend pagkatapos ng boxing.

Sobra-sobrang karangalan at katuwaan na ang naihatid mo sa bansa.

Panahon na upang i-enjoy mo ang buhay sa labas ng lonang parisukat.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with