_pang-masa
^

PM Sports

PBA Phil Cup restart lalarga na

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Pagpasok ng Setyembre, kumpiyansa si PBA commissioner Willie Marcial na gugulong na muli ang Season 46 Philippine Cup matapos maantala ng latest COVID 19 surge.

Nakumpleto na nila ang requirements na hiningi ng pamunuan ng probinsiya ng Pampanga.

Once na lumabas ang official approval ni Pampanga Gov. Dennis Pineda, bibigyan ang mga koponan ng isang linggong panahon upang bumalik sa ensayo.

At pagkatapos nito, susulong na muli ang all-Filipino tourney na pinangungunahan ng Magnolia at TNT Tropang Giga nang ito eh maantala.

Bagong gym sa munisipalidad ng Bacolor ang playing venue na inendorso mismo ng opisina ni Gov. Pineda.

Pero allowed ang mga teams na maghanap ng ibang practice venue sa loob rin ng probinsiya ng Pampanga.

Main hub pa rin ang Quest Hotel na siyang nag-host ng lahat ng koponan sa naunang Season 45 Philippine Cup.

Pero may ilang koponan ang nagdesisyon na humanap ng ibang matitirhan ngayon. At sila naman eh napayagan.

Semi-bubble sa loob ng probinsya ang setup sa Season 46 Philippine Cup resumption. Medyo mas maluwag kaysa sa full bubble na itinakbo ng liga noong nakaraang taon.

Nawa’y tuluyang makalarga ang PBA para naman magkaroon ng libangan ang Filipino basketball fans.

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with