_pang-masa
^

PM Sports

Mga kosa sa quarantine

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Ilang miyembro ng Philippine delegation sa katatapos na Tokyo Olympics eh gradweyt sa kanilang quarantine kahapon.

Home sweet home sila pagkatapos bunuin ang ipinag-uutos ng IATF na quarantine para sa mga incoming travelers ng bansa. Pero meron pa ring naiwan na bubuno pa ng ilang araw na isolation habang hinihintay ang kanilang COVID test result at clearance mula sa Bureau of Quarantine.

Limitado sa kawayan mula sa balkonahe ang pagkikita-kita ng mga magkakakosa sa hotel quarantine.

Walang medal-medalist. Walang exempted. Walang special treatment.

Nanguna sina Olympic medalists Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial sa pagtupad ng protocol.

Eto eh kahit namuhay sila sa semi-bubble setup sa Tokyo, kasama ang araw-araw na saliva test.

Disiplina ang halimbawang kanilang ipinakita kasama ang iba pang bumubuo ng Philippine delegation na pinamunuan ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino.

Sana ganoon ang buong bayang Pilipinas upang sama-samang talunin ang banta ng COVID-19.

TOKYO OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with