_pang-masa
^

PM Sports

Paalam may tsansa sa gold

Nelson Beltran - Pang-masa
Paalam may tsansa sa gold
Carlo Paalam.

Marcial nakuntento sa bronze

TOKYO — Pinalakas ni boxer Carlo Paalam ang tsansa ng Pilipinas para sa ikalawang gold medal sa Olympic Games.

Nirapido ni Paalam si Japanese rising star Ryomei Tanaka via unanimous decision papasok sa men’s flyweight finals ng Tokyo Olympics men’s boxing competition kahapon sa Kokugikan Arena.

Nakasiguro na ng silver medal, hangad ni Paalam na maduplika ang pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa Olympic gold.

Makakatapat ng 23-anyos na si Paalam sa finals si Galal Yafai ng Great Britain.

“Hinihiling ko po ngayon sa mga kapwa ko Filipino na ipagdasal ako. Gagawin ko ang best ko, kasi hindi ko naman hawak ‘yung desisyon, tsaka ‘yung kalaban ko magaling din,” sabi ni Paalam. “Tiwala lang sa sarili. At sana ibigay sa atin ng Panginoon.”

Ginamit ng tubong Cagayan de Oro City ang kanyang bilis para mailagan ang mabibigat na suntok ni Tanaka, ang No. 3 seed.

Inamin rin ng Pinoy fighter na muntik na siyang bumagsak sa second round nang makatikim ng solidong suntok mula sa Japanese.

“Natamaan ako ng malakas, nahilo at napadasal sa Panginoong Diyos. Napahawak ako sa paa niya,” kuwento ni Paalam.

Si Paalam ang ikaapat na Philippine boxer na nakapasok sa Olympic boxing finals matapos sina Anthony Villanueva, Mansueto “Onyok” Velasco, Jr. at Nesthy Petecio.

Minalas naman si middleweight Eumir Felix Marcial sa kanyang semifinal bout matapos matalo kay Ukranian Oleksandr Khyzhniak via split decision para makuntento sa bronze medal.

“Naubusan ako ng hangin,” sabi ng 25-anyos na tubong Zamboanga City sa pagsagupa kay Khyzhniak na hindi pa natatalo sa kanyang 60 fights.

Sa women’s golf, patuloy ang pagsadsad nina Bianca Pagdanganan at Yuka Saso, ang 2021 US Women’s Open champion, sa round two sa Kasumigaseki Country Club.

Nagtala si Pagdanganan ng even-par 71 na naglaglag sa kanya sa ika-27, habang pumalo si Saso ng three-under 68 matapos ang 36 holes.

Kung paiikliin ng Tokyo organizers sa 54 holes ang four-round tournament dahil sa paparating na super bagyo ay wala nang pag-asa sa medalya sina Pagdanganan at Saso.

CARLO PAALAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with