_pang-masa
^

PM Sports

Diaz natanggap na ang P3-M galing kay Romero

Pang-masa
Diaz natanggap na ang P3-M galing kay Romero

MANILA, Philippines — Tinupad ni House Deputy Speaker Mikee Romero (1-Pacman Partylist) ang kanyang pangako kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz kahapon.

Personal na iniabot ni Romero ang P3 million check kay Diaz sa Sofitel Hotel kung saan nanatili ang national weightlifter para sa mandatory seven-day quarantine.

“I personally delivered the promise I made last month because the joy and pride Hidilyn gave to our country was immeasurable. This will open for other athletes to work harder to aspire their dreams,” ani Romero.

Pinagreynahan ng 30-anyos na si Diaz ang women’s 55-kilogram division para makopo ang kauna-unahang Olympic gold ng Pinas matapos ang 97 taon.

“We are really proud of you, Hidilyn. You embody the traits of a great warrior. Hoping every Olympics may gold medal tayo,” dagdag pa ng NorthPort Batang Pier team owner.

Ayon pa kay Romero, binuhat ni Diaz sa kanyang mga balikat ang sambayanan kaya nararapat lamang na ipagdiwang ito taun-taon.

Bukod sa P3 milyon para sa Olympic gold ay magbibigay rin si Romero ng P2 milyon para sa silver at P1 milyon para sa bronze.

 

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with