_pang-masa
^

PM Sports

May P7-M na si Marcial

Russell Cadayona - Pang-masa
May P7-M na si Marcial
Eumir Felix Marcial.

MANILA, Philippines — Kabuuang P7 milyon ang inaasahang matatanggap ni middleweight Eumir Felix Marcial na cash incentives dahil sa kanyang pag-angkin ng bronze medal sa Tokyo Olympics men’s boxing competition kahapon.

Base sa Republic Act No. 10699 o ang Athletes and Coaches Incentives Act ang Olympic gold medalist ay bibigyan ng cash incentive na P10 milyon, ang silver ay P5 milyon at ang bronze ay P2 milyon.

Maliban sa P2 milyon mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tatanggap din si Marcial ng tig-P2 milyon mula kina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation (MVPSF) at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation (SMC).

Magbibigay din ng P1 milyon si House Deputy Speaker Mikee Romero para sa kabuuang P7 mil­yong insentibo ng tubong Zamboanga City.

Inaasahang mayroon pang ibang kumpanya na magbibigay ng bonus sa mga Tokyo Olympic me-dalists.

 

EUMIR FELIX MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with