_pang-masa
^

PM Sports

PLDT Home Fibr humirit pa

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagama’t wala nang pag-asa sa semis, ibinuhos pa rin ng PLDT Home Fibr ang buong lakas nito upang kunin ang 25-17, 25-15, 25-19 panalo sa BaliPure sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Humataw si outside hitter Jorelle Singh na may 50 percent accuracy rate sa attacks para makalikom ng 16 puntos.

Nagdagdag naman sina Toni Basas at Aiko Urdas ng tig-pitong puntos  habang kumana si Isa Molde ng anim na hits para suportahan ang Power Hitters.

Umangat ang PLDT sa 2-6 marka habang nahulog sa parehong rekord ang BaliPure.

Samantala, pabor sina Chery Tiggo stars Jaja Santiago at Mylene Paat na madaliin ang season upang makasama agad ang dalawang players sa training camp ng national team.

Nagsimula na ang training ng national team sa Batangas bilang bahagi ng paghahanda para sa Asian Senior Women’s Volleyball Championship na gaganapin sa Clark, Pampanga sa Agosto 29.

PLDT HOME FIBR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with