May karera pa rin pero...

MANILA, Philippines — Walang anunsyo ang Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) kung magsususpindi ng karera dahil sa pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine, (ECQ) simula ngayong araw hanggang Agosto 20.

Sa katunayan, binobola ang  programa para ngayong araw habang sinusulat ang balitang ito ngunit nakaabang ang mga karerista sa anumang anunsiyo ng PHILRACOM.

Gayunpaman,  pinag-uusapan sa social media ng mga karerista na tuloy ang karera habang umiiral ang ECQ sa Metro Manila at Cavite kung saan naroroon ang dalawang karerahan na Santa Ana Race Park at San Lazaro Leisure Park pero magiging tatlong araw lang  ang karera sa isang linggo.

May ugong din na hindi makakapag-operate ang mga Off-Track Betting stations  (OTBs) at tanging ang online betting lang ang papayagang magpataya tulad ng Fast Bet sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) at sa San Lazaro Leisure Park.

Ang MOTB naman ang gagamitin Philippine Ra-cing Club Inc. (PRCI) ang magpapakarera.

 

Show comments