_pang-masa
^

PM Sports

Palaban si Pagdanganan sa women’s golf

Nelson Beltran - Pang-masa

TOKYO — Sinandalan ni Bianca Pagdanganan ang kanyang limang birdies para magtala ng two-under-par 69 sa first round ng Tokyo Olympics women’s golf kahapon sa Kasumigaseki Country Club.

Ang inilaro ng 2019 SEA Games double-gold winner at LPGA longest-drive champion ang nag-lagay sa kanya sa joint seventh place at tatlong strokes lang ang agwat sa bumanderang si Madelene Sagstrom (66) ng Sweden.

Hindi nalalayo ang 23-anyos na si Pagdanganan sa grupo nina Nelly Korda (67), Aditi Ashok (67), Matilda Castren (68), Ko Jin Young (68) at Carlota Ciganda (68).

“I’m happy. I felt it’s a good round, but I hope to improve in the next three rounds. Anything can happen in the next three days,” wika ni Pagdanganan.

Kumpara kay Pagdanganan ay masama naman ang ipinalo ni 2021 US Women’s Open titlist Yuka Saso sa opening round.

Nalaglag ang 20-anyos na Fil-Japanese sa joint 47th spot at kailangang makabawi sa second round ngayong umaga.

“Even if she’s behind by eight, anything is possible,” dagdag ni Pagdanganan sa 2018 Asian Games double gold medal winner na si Saso.

TOKYO OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with