_pang-masa
^

PM Sports

Chery Tiggo lumapit sa semis

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinomina ng Chery Tiggo ang Black Mamba-Army, 25-16, 25-16, 25-21, upang makalapit sa semis spot sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Maganda ang kontribusyon ng lahat ng miyembro ng Crossovers sa pangunguna ni outside hitter Dindin Santiago-Manabat na nagpasabog ng 15 puntos mula sa 13 attacks at dalawang aces.

Ang panalo ang nagdala sa Chery Tiggo sa 6-2 rekord para muling masolo ang No. 3 spot na lalo pang nagpatatag sa kanilang pag-asang makapasok sa Final Four.

Tuluyan nang napasuko ang Lady Troopers sa semis race nang mahulog ito sa 2-5 baraha.

Samantala, mamadaliin na ang pagtapos sa liga kung saan aaraw-arawin na ang mga laro simula ngayon  hanggang matapos ang season na pinakamatagal na hanggang Agosto 13.

CHERY TIGGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with