_pang-masa
^

PM Sports

Silver kay Petecio

Nelson Beltran - Pang-masa
Silver kay Petecio
Nesthy Petecio.

Paalam sigurado na sa bronze

TOKYO — Ang inaasahang tagumpay ni Nesthy Petecio ay hindi nangyari.

Nagdalawang-isip sa kanyang mga tirada, natalo si Petecio kay hometown bet Sena Irie via unanimous decision sa finals ng women’s featherweight division sa Tokyo Olympics boxing competition kahapon sa Kokugikan Arena.

Nakuntento ang 29-anyos na tubong Sta. Cruz, Davao del Sur sa silver medal at nabigong maduplika ang binuhat na Olympic gold ni weightlifter Hidilyn Diaz.

“Siguro may hindi ako napuna agad. Nagkulang ako,” pag-amin ni Petecio sa malamya niyang ipinakita sa first round na nakuha ng 20-anyos na si Irie sa iskor na 5-0.

Nakabawi siya sa se-cond round nang makahugot na 4-1 desisyon sa mga judges, ngunit sa third round ay napaboran ang Japanese fighter.

Sa kabila ng kanyang kabiguan ay nakamit pa rin ni Petecio ang karangalan bilang unang Philippine female boxer na nanalo ng isang Olympic medal sa parehong bansa kung saan kinuha ni Anthony Villanueva ang silver medal noong 1964 Olympics.

Sa unang laban, tinalo ni flyweight Carlo Paalam si Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan papasok sa semifinals para labanan si Japanese Ryomei Tanaka.

Nakatiyak na si Paalam ng bronze medal.

Bukod kay Paalam, may pag-asa pa rin kay Eumir Felix Marcial na lalabanan si Ukrainian Oleksandr Khyzhniak sa semifinals ng middleweight class bukas.

Samantala, hindi nalundag ni Ernest John Obiena ang 5.80 meters sa kanyang tatlong attempts na tuluyan nang tumapos sa kampanya niya sa finals ng men’s pole vault sa Tokyo Olympics kagabi sa Japan National Stadium.

Bigo ang 6-foot-2 na si Obiena, sinanay ni Ukrainian coach Vitaly Petrov, na makalapit man lang sa kanyang Philippine record na 5.87m.

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with