_pang-masa
^

PM Sports

Papalo na si Yuka Saso

Nelson Beltran - Pang-masa
Papalo na si Yuka Saso
Yuka Saso.

TOKYO — Nakatakdang pumalo ngayong umaga sina Fil-Japanese Yuka Saso at Bianca Pagdanganan para sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa Tokyo Olympics women’s golf competition sa Kasumigaseki Country Club.

Matapos ang inulan na men’s tournament na pinagharian ni American Xander Schauffele ay gumanda na ang kondisyon ng nasabing par-71 course.

“It’s very windy,” sabi ng 20-anyos na si Saso na may hawak ng homecourt advantage dahil sa kanyang pagiging pamilyar sa Japan weather bilang isang Japan Tour cardholder.

Makakasabay ni Saso sa first round sina  LPGA stars Lexi Thompson ng US at Brooke Henderson ng Canada sa alas-7:25 ng umaga (Manila time).

Paboritong manalo si Saso matapos ang kanyang pagrereyna sa nakaraang 2021 US Women’s Open kung saan niya nakaharap si Thompson.

“I’m going to be playing against top players although I’ve been playing against great players in my past couple of tournaments. I’m going to enjoy it,” sabi ni Saso.

“We just have to take things day by day. It’s very humid up here actually. It’s definitely a factor and you have to make sure you stay hydrated,” wika naman ng 23-anyos na si Pagdanganan.

Samantala, na-stroke ang regular caddie ni Saso na si Lionel Matichuk sa practice round onoong Martes at agad dinala sa ospital. Si national coach Miggy Alejandro muna ang maka-caddie sa kanya.

 

YUKA SASO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with