_pang-masa
^

PM Sports

Malaki rin ang bonus ni Petecio

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kagaya ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, tatanggap rin ng cash incentives si silver medal winner Nesthy Petecio.

Base sa Republic Act 10699 o ang Expanded Incentives Act, ang Olympic gold medalist ay bibigyan ng insentibong P10 milyon, ang silver ay P5 milyon at P2 milyon sa bronze.

Tinapatan ito nina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation, habang P2 milyon ang bonus ni Deputy Speaker Mikee Romero sa silver medalist.

Sa kabuuan ay sigurado na sa tubong Sta. Cruz, Davao del Sur fighter ang P17 milyon bukod pa sa regalo sa kanyang condominium unit ng Megaworld Corp. sa Lanang, Davao City at isang house and lot sa Candelaria, Quezon mula sa Ovialand na nagkakahalaga ng P10 milyon at P2.5 milyon, ayon sa pagkakasunod.

Inaasahan ring bibigyan siya ng bonus ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong sa pagsisimula ng kanyang amateur boxing career noong ito ay Mayor pa ng Davao City.

Kaugnay nito, binati ni Diaz si Petecio sa kanyang pagsuntok sa Olympic silver medal.

“Hi Nesthy, congratulations! I know na ginawa mo lahat, and silver medal, additional medal ‘yun sa atin. Pero alam mo, para sa puso ko, at sa puso ng bawat Pilipino, ikaw ang panalo,” sabi ng weightlifter sa kanyang video message sa Facebook matapos ang kabiguan ni Petecio kay Japanese Sena Irie sa finals.

“Congratulations, and thank you for bringing pride and honor sa ating bansa. Alam mo kanina, sasabihin ko na umiiyak ako habang pinapanood ko,” dagdag pa nito.

                

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with