_pang-masa
^

PM Sports

PetroGazz lumakas ang tsansa sa semifinals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinapos ng PetroGazz ang kampanya ng BaliPure sa pamamagitan ng 25-20, 26-24, 25-23 desisyon upang palakasin ang kanilang tsansa sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Hindi hinayaan ng Gazz Angels na maka-alagwa nang husto ang Water Defenders matapos banderahan ni Grethcel Soltones ang atake ng tropa upang sumulong sa 5-2 rekord sa No. 3 kasalo ang Chery Tiggo.

“Ready talaga sila (BaliPure) ‘yung fast game nila kumakapit, high percentage ‘yung mga win nila. On our part, tinake advantage ‘yung opportunity na mabigyan ng playing time ‘yung iba para at the same time yung ibang players makalaro,” ani PetroGazz head coach Arnold Laniog.

Naglista si Soltones ng kabuuang 14 puntos mula sa siyam na attacks, apat na aces at isang blocks kalakip ang 10 digs para sa Gazz Angels.

Sumuporta si Ria Meneses na may walong puntos kabilang ang apat na blocks.

PETROGAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with