_pang-masa
^

PM Sports

PBA games suspendido muna

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Suspendido muna ang mga laro ng PBA sa 2021 Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19 at pansamantalang pagbabalik ng  Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa anunsyo ng PBA kahapon ay tigil-aksyon muna ito simula ngayong araw dahil sa pagkalat ng Delta variant at sa napi-pintong implementasyon ng pinakamahigpit na  ECQ sa National Capital Region simula Biyernes hanggang Agosto 20.

Sa katunayan ay noong katapusan ng Hulyo pa nagkaroon ng dagdag na paghihigpit sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened and additional restrictions sa kabisera hanggang Huwebes bago ang dalawang linggong ECQ kung saan isasara muna ang mga sports courts at gyms.

“The Philippine Basketball Association (PBA) is temporarily suspending its Philippine Cup games starting August 4 in support of the government’s directive in addressing the unwanted rise of COVID-19  Delta variant infections,” anang PBA.

Kaugnay nito ay may nailatag nang plano ang PBA na lumipat muna mula sa Pasig papuntang Batangas pansamantala kung papayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Naghihintay na lamang ang PBA ng desisyon ng IATF at Department of Health matapos magsumite ng liham noong nakaraang linggo sa paghingi ng clearance na maipagpatuloy ang mga laro sa Lipa City.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with