_pang-masa
^

PM Sports

Yulo pang-4th sa vault

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumapos lamang si gymnast Carlos Edriel Yulo sa fourth place sa finals ng men’s vault ng Tokyo Olympics gymnastics competition kahapon sa Ariake Gymnastics Centre.

Kumolekta si Yulo ng 14.566 points sa first at 14.866 points sa second vault para sa kanyang average score na 14.716 points katabla si Nikita Nagorny ng Russia.

Inangkin ni Shin Jeahwan ng South Korea ang gold medal sa kanyang 14.783 points.

Nauna nang minalas si Yulo, nagkampeon noong 2019 World Championships sa Germany, na makapasok sa finals ng paborito niyang floor exercise event.

Bigo rin si Fil-Ame-rican sprinter Kristina Knott women’s 200-meter run nang tumapos na pang-lima sa heats kahapon sa Olympic Stadium.

Nagsumite ang 2019 SEA Games double gold medalist ng tiyempong 23.80 segundo sa preliminaries sa kanyang unang paglahok sa Olympics.

Sa kabuuan, 12 na sa 19-man Team Philippines na bigong makapag-uwi ng anumang Olympic medal.

Ang iba pa ay sina Cebuana skater Margielyn Didal, weightlifter Elreen Ando, flyweight Irish Magno, rower Cris Nievarez, shooter Jayson Valdez, taekwondo jin Kurt Barbosa, judoka Kiyomi Watanabe, golfer Juvic Pagunsan at swimmers Remedy Rule at Luke Gebbie.

Nananatiling may pag-asa kina boxers Eumir Felix Marcial, Carlo Paalam at Nesthy Petecio na lalaban para sa gold medal ngayon pati si pole vaulter EJ Obie-na gayundin kina golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan.

Ang gold medalist na si Hidilyn Diaz ang kukumpleto sa 19-man Pinoy Team .

CARLOS EDRIEL YULO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with