_pang-masa
^

PM Sports

Bigatin ang mga kasabay ni Saso

Nelson Beltran - Pang-masa

TOKYO — Sisimulan bukas nina 2021 US  Women’s Open champion Yuka Saso at Bianca Pagdanganan ang pagtarget sa Olympic gold medal sa pagsisimula ng women’s golf competition sa Tokyo Games sa Kasumigaseki Country Club.

Kasamang papalo ng 20-anyos na si Saso sina LPGA stars Lexi Thompson ng US at Brooke Henderson ng Canada sa first round sa alas-7:25 ng umaga (Manila time).

Bukod kay weightlifter Hidilyn Diaz, umangkin sa kauna-unahang Olympic gold medal ng Pinas matapos ang 97 taon, inaasahan ring mananalo ng gold si Saso.

Si Saso ang kumuha sa gold medal sa individual event ng Asian Games noong 2018 sa Jakarta, Indonesia at nakasama sina Pagdanganan at Lois Kaye Go sa pagrereyna sa team event.

Makakasabay naman ni Pagdanganan sina Leona Maguire ng Ireland at Matilda Castren ng Finland.

Inangkin ni Pagdanganan ang dalawang gold medal (individual at team events) noong 2019 Philippine Southeast Asian Games.

 

YUKA SASO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with