_pang-masa
^

PM Sports

Team USA vs Spain sa quarterfinals

Pang-masa

SAITAMA, Japan — Muling magkukrus ang landas ng nagdedepensang Team USA at Spain sa quarterfinals ng Tokyo Olympics sa pagsisimula ngayon ng knockout rounds.

Tatlong beses tinalo ng mga Americans ang Spanish team sa huling tatlong Olympics -- noong 2016 semifinals at sa finals noong 2012 at 2008.

Matapos matalo sa France ay bumalikwas ang Team USA para patumbahin ang Iran at Czech Republic sa Group A papasok sa knockout phase ng torneo.

Nagmula naman ang Spain sa 87-95 kabiguan sa Slovenia sa huli nilang laro sa Group C.

Sina  Kevin Durant, Damian Lillard, Jayson Tatum, Bam Adebayo at Draymond Green ang mu-ling babandera para sa Team USA katapat sina Pau at Marc Gasol, Ricky Rubio at Rudy Fernandez.

Ang mananalo sa duwelo ng USA at Spain ang sasagupa sa mananaig sa quarterfinals match ng Australia at Argentina.

 

TEAM USA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with