_pang-masa
^

PM Sports

Palaban din si Marcial

Nelson Beltran - Pang-masa
Palaban din si Marcial
Eumir Felix Marcial.

Sigurado na sa bronze

TOKYO — Pinatumba ni middleweight Eumir Marcial si Arman Darchinyan ng Armenia sa first round ng kanilang quarterfinals match para umabante sa medal round ng Tokyo Olympics boxing competitions sa Kokugikan Arena kahapon.

Ang pinakawalang three-punch combination na tinapos ng isang right hook sa mukha ni Darchinyan ang nagpasok kay Marcial sa semifinals para makasiguro ng bronze medal.

Bago ito ay nirapido ni Marcial si Darchinyan na nagresulta sa pagbibilang ni referee Wulfren Perez ng Colombia ng standing eight count sa Armenian.

Dalawang panalo pa ang kailangan ni Marcial  para makamit ang ikalawang Olympic gold ng Pinas matapos kay weightlifter Hidilyn Diaz.

“Kagaya ng sinasabi ko noon, ginagawa ko ito para sa bayan at para sa mga Pilipino na nagdarasal para sa akin,” sabi ng 25-anyos na tubong Zamboanga City.

Sa semis sa Huwebes ay muling makakatapat ni Marcial si Ukrainian Oleksandr Khyzhniak na tumalo sa kanya noong 2018 Strandja Memorial sa Bulgaria.

“During nu’ng laban namin, na-injured ako, kaya natalo ako. Sa pakiramdam ko, kondisyon na kondisyon ako ngayon. Ready po ako sa laban na ito,” ani Marcial kay Khyzhniak.

Lalabanan naman si featherweight Nesthy Petecio, nakatiyak na ng silver medal, si Japanese Sena Irie sa finals bukas ng alas-12:05 ng tanghali (Manila time) para sa gold medal.

Mauuna ang quarterfinals bout ni flyweight Carlo Paalam kontra kay 2016 Rio Games champion Shakbobidin Zoirov ng Uzbekistan.

Kinagabihan nito ay sasalang naman si EJ Obiena sa finals ng men’s pole vault sa Japan National Stadium.

Sa gymnastics, target ni Carlos Yulo na makopo ang gold medal sa finals ng vault event ngayong gabi sa Ariake Center.

Sa athletics, lalarga si Fil-Am sprinter Kristina Knott sa qualifying ng women’s 200-meter run ngayong alas-10:18 ng umaga.

Hahataw naman sa Huwebes sina female golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan sa Kasumigaseki Country Club.

Tumapos naman  si Juvic Pagunsan sa 55th place sa men’s tournament nang magtala ng one-under 70 para sa closing total na one-over 285.

                     

EUMIR FELIX MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with