_pang-masa
^

PM Sports

Pagkakataong bumawi ni Yulo

Nelson Beltran - Pang-masa
Pagkakataong bumawi ni Yulo
Carlos Yulo.

TOKYO — Determinado si gymnast Carlos Yulo na makopo ang ikalawang Olympic gold medal ng Pilipinas sa pagsabak niya sa finals ng men’s vault event ngayong gabi dito sa Ariake Center.

Nauna nang nabigo si Yulo na makapasok sa finals ng paboritong floor exercise, ang event na pinagharian niya noong 2019 World Championships sa Germany.

Ang technique, execution at landing sa dalawang vaults ang magdedetermina sa kapalaran ni Yulo sa kanyang Olympic debut.

“The technical people told me that as long as Caloy sticks to the floor and he doesn’t go (wobbling), and then gets that difficulty score in two vaults, he has a shot,” sabi ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Norton sa Pinoy gymnast.

Idinagdag ng GAP chief na dapat makaiskor si Yulo ng 5.60 points sa bawat ‘degree of difficulty’.

Ayon kay Carrion-Norton, ordinaryo nang nakakakuha si Yulo ng 5.60 points sa first vault ngunit nahuhulog sa 5.20 points sa second vault.

Ang landing ni Yulo ang nakikitang problema ng gymnastics head. “Coach Mune, try to make both 5.60. And stick to the floor! I don’t care if you use glue as long as Caloy sticks to the floor,” ani Carrion-Norton kay Japanese coach Munehiro Kugiyama.

Pumuwesto si Yulo sa No. 6 sa qualifying sa kanyang total score na 14.712 points.

Namuno si Korean Shin Jeahwan na may 14.866 points kasunod si Armenian Artur Davtyan (14.866), Russian Nikita Nagornyy (14.783), Turkish Adem Asil (14.766), Russian Denis Abliazin (14.733), Brazilian Caio Souza (14.700) at Turkish Ahmet Onder (14.466).

CARLOS YULO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with