_pang-masa
^

PM Sports

May mananalo pa ng gold -- Diaz

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naniniwala si weightlifter Hidilyn Diaz na mayroon pang miyembro ng Team Philippines na makakakuha ng Olympic Games gold medal bukod sa kanya.

Isa na rito si Eumir Felix Marcial na pinatulog si Armenian Arman Darchinyan sa huling 49 segundo ng first round para makapasok sa semifinals ng men’s middleweight division ng Tokyo Olympics boxing competitions kahapon.

Nauna nang umiskor ang tubong Zamboanga City boxer ng first-round RSC-injury victory kay Algerian Younes Nemouchi patungo sa quartefinals.

“Napa-amaze mo kame Doy Eumir Marcial. Mapuwersa! Maka-proud keda chavacano, Airforce, y Filipino,” sabi ni Diaz sa kanyang Facebook post. “Consistent K.O. ang kalaban.”

Ang pagpasok ni Marcial sa semis ang tumiyak sa kanyang pagkopo sa bronze medal at may tsansang maduplika ang tagumpay ng kababayang si Diaz.

Makakatapat ni Marcial sa semis sa Huwebes si World No. 1 Oleksandr Khyzhiak ng Ukraine na nagtala ng 4-1 panalo kay Cedeno Martinez ng Dominican Republic sa semis.

Bukod sa 25-anyos na si Marcial, lalaban rin para sa Olympic gold si featherweight Nesthy Petecio kontra kay Japanese Sena Irie bukas.

Sasalaring rin sa aksyon sa nasabing araw si flyweight Carlo Paalam sa pagharap kay 2016 Rio de Janeiro Olympic gold medalist Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan sa quarterfinals.

Panlaban din sa gold medal ang US Open Champion na si Yuka Saso sa golf competion na nakatakdang sumalang sa Aug. 4.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with