_pang-masa
^

PM Sports

TNT Tropang Giga tinakasan ang Phoenix

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umeskapo ang TNT Tropang Giga sa Phoenix, 84-80 para mapanatiling malinis ang record sa 2021 PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kumubra ng 15 puntos at walong rebounds si Troy Rosario kabilang na ang panlamang na bucket sa huling minuto upang akayin ang Tropang Giga sa 3-0 kartada sa likod lang ng Magnolia (4-0).

Mayroon ding 13 markers si RR Pogoy habang umariba si Jayson Castro muntikang double-double na 10 puntos at siyam na assists sahog pa ang limang rebounds.

Sa unang laro, napatid ng Rain or Shine ang two-game losing streak matapos ang kanilang  83-77 panalo kontra sa Terrafirma upang uma-ngat sa 4-2 baraha.

Nagpakawala ng 17 puntos si Rey Nambatac habang may tig-15 markers sina Gabe Norwood at Adrian Wong para sa Elasto Painters na sumakay sa 18-2 fourth quarter ratsada upang baliktarin ang 61-65 deficit.

Naiwan din hanggang 15 puntos ang ROS sa first half pero hindi sumuko hanggang sa maagaw ang manibela sa huling kanto upang mapanatiling walang panalo ang Dyip sa 0-4 kartada.

Samantala, ngayon pa lang ang inaasahang ilalabas ng PBA ang revised schedule nito kasunod ng postponement ng dalawang laro sa nakalipas na weekend bunsod ng health and safety protocols.

Naurong sa hindi pa alam na petsa ang laban ng Phoenix at Blackwater noong Sabado gayundin ang bigating bakbakan ng Barangay Ginebra at San Miguel kahapon.

 

TROPANG GIGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with