_pang-masa
^

PM Sports

Chery Tiggo pinulbos ang PetroGazz

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumalabas na ang tunay na bagsik ng Chery Tiggo matapos pulbusin ang dating Reinforced Conference champion na PetroGazz, 25-18, 25-20, 25-22, upang masolo ang No. 3 spot sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Nagsanib-puwersa uli ang Santiago sisters para dalhin ang Crossovers sa ikalimang panalo sa pitong laro.

Bumanat si middle blocker Jaja Santiago ng 20 puntos mula sa 16 attacks, tatlong blocks at isang ace habang nakalikom naman si Dindin Santiago-Manabat ng 12 hits.

Nag-ambag si Mylene Paat ng siyam na puntos habang may pinagsamang 12 markers sina Maika Ortiz at Shaya Adorador.

“We have some challenges along the way but we were able still work on it. I’m just glad and happy for the ladies that they were able to lead the team and deliver,” ani Chery Tiggo head coach Aaron Velez.

Nahulog sa ikaapat na puwesto ang Gazz Angels bitbit ang 4-2 baraha.

Nanguna para sa PetroGazz si middle blocker Ria Meneses na nagtala ng 11 hits habang may tig-siyam sina Ces Molina at Myla Pablo.

PETROGAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with